--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot na sa 8.8 million pesos ang naitalang total losses sa livestock sa Lalawigan ng Isabela dahil sa magkakasunod na Bagyong Kristine, Leon, Marce, Nica, Ofel at Pepito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinarian Dr. Belina Barboza, sinabi niya na pinakamarami rito ay ang mga kalabaw at baka na naanod at nalunod sa kasagsagan ng malawakang pagbaha dahil sa pananalasa ng bagyo.

Sa kabuuan nakapagtala sila ng 35 heads na nasawing Kalabaw, Baka na may 138 heads, Poultry na 4,819 heads, Kambing na may 135 heads, Tupa na may 9 heads at baboy na 627 heads.

Naitala ang 566 na total affected farmers na may total damages na P8,894,000.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pang naibababang tulong para sa mga naapektuhang magsasaka na namatayan ng alaga dahil sa sunod sunod na bagyo.