--Ads--

CAUAYAN CITY – Problema sa pag-ibig ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang dalaga sa Malamag West, Tumauini, Isabela.

Ang dalaga ay 24 anyos, self employed at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa Tumauini Police Station, natagpuan na nakabitin ang dalaga sa kusina ng kanilang bahay gamit ang pinagdugtong na sinturon at tali.

Ayon naman sa kanyang pamilya, bago ang naturang insidente ay nakaranas ng depression at anxiety ang babae nang malaman na magpapakasal na ang dating nobyo sa ibang babae.

--Ads--

Humingi ng tulong ang Tumauini Police Station sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para suriin ang crime scene.