--Ads--

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko hinggil sa posibleng epekto ng isang “short-lived” La Niña phenomenon na kasalukuyang umuusbong sa tropical Pacific.

Ayon sa advisory ng state weather bureau, ang mahinang La Niña ay inaasahang magtatagal hanggang Pebrero ng susunod na taon. Maaaring magdulot ito ng malakas na pag-ulan, pagbaha, flashfloods, at rain-induced landslides sa ilang lugar sa bansa, lalo na sa mga mabababang lugar at kabundukan.

Ang La Niña ay isang natural na phenomenon na umiiral kapag mayroong above-normal rainfall sa maraming bahagi ng bansa sa huling quarter ng taon, at karaniwang nagpapatuloy sa unang mga buwan ng susunod na taon.

Karaniwang kaakibat ng La Niña ang mas mataas na bilang ng bagyo, labis na pag-ulan, at pagtaas ng tubig sa mga ilog at daluyan ng tubig. Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at mga lokal na pamahalaan na maghanda sa posibleng sakuna, sundin ang mga abiso, at i-monitor ang lagay ng panahon upang maiwasan ang pinsala.

--Ads--