--Ads--
Mga waitress na robot

CAUAYAN CITY– Dadalo si Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagpupulong ng mga Asian Minister of Labor na gaganapin sa Singapore sa Arpil 28, 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Bello na pangunahing pag-uusapan sa pulong ng mga Asian Minister of Labor ang future of work.

Ito ay dahil kapansin pansin ngayon ang pagtatrabaho ng mga robot sanhi para mawalan ng trabaho ang ilang sektor.

Inihalimbawa ni Labor Secretary Bello na noong dumalo siya sa isang forum sa Dubai ay nakita niya na robot ang nagsisilbi ng kape sanhi para mawalan ng trabaho ang mga waiter at noong sumakay naman siya sa taxi ay walang drayber kundi pinapatakbo ng computer at mawawalan naman ng trabaho ang mga drayber

--Ads--
tinig ni Labor Sec. Bello

Sinabi ni Kalihim Bello na nais niyang ilobby sa pagpupulong ng Asian Minister of Labor sa Singapore na hindi dapat maapektuhan ang mga manggagawa sa paggamit ng mga robot bilang trabahador.