--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanawagan ang mga nasa sektor ng transportasyon na tanggalin muna pansamantala ang Excise Tax sa mga produktong petrolyo matapos ang ilang linggo na sunod-sunod na pagtaas nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ariel Lim,  Convenor ng National Public Transport Coalition sinabi niya na bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo kung tatanggalin pansamantala ang Excise Tax nito tuwing mataas ang presyo.

Aniya, kahit tanggalin ang excise tax ay mayroon pa din namang matitira na Expanded Value Added Tax mula sa mga ito na pwedeng pakinabangan.

Giit niya na hindi lamang sila na na nasa hanay ng transportasyon ang apektado sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kundi pati na din ang mga private sector at mga ordinaryong mamamayan.

--Ads--

Dahil dito ay nanawagan siya sa pamahalaan na pakinggan ang kanilang panawagan para maibsan ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.