--Ads--
The 450m Pigalo bridge in Angadanan, Isabela

Bubuksan na ngayong umaga ang Mega Pigalo Bridge sa Angadanan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Wilson Valdez, tagapagsalita ng Department of Public Works and Highways (DPWH) region 2, sinabi niya na ang inagurasyon ng Mega Pigalo Bridge ay pangungunahan ng mga opisyal ng DPWH region 2, DPWH sa Isabela at ni kalihim Mark Villar kasama ang ilan niyang undersecretary at assistant secretary.

Tiniyak ni Ginoong Valdez na ang bagong tulay ay matibay at matatag sa bagyo.

Nilinaw niya na natagalan ang pagbubukas sa tulay dahil mayroon silang sinusunod na protocol para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at mga mamamayan na dadaan dito.

--Ads--

Ang Mega Pigalo Bridge sa Angadanan, Isabela ay isa sa mga pinakamahabang tulay sa ikalawang rehiyon.

Ang tinig ni Ginoong Wilson Valdez

Ito ay may habang 450 meters at pinaglaanan ng 459 million pesos na pondo.

Inumpisahan itong gawin noong 2017 at nakumpleto noong Abril 2019.

Napinsala ang tulay dahil sa pagtama sa Isabela ng bagyong Pedring at bagyong Quiel noong 2011.