--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinagpaliban ang opening ng Cabagan- Sta. Maria Bridge dahil sa pagkaantala ng isinasagawang finishing touches sa tulay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Department of Public Works and Highways Region 2 Public Information Officer Maricel Asejo sinabi niya na unang inihayag ng DPWH na bubuksan ang tulay ngayong huling linggo ng Hulyo subalit dahil sa delay ang pagdating ng mga materyales galing abroad ay naantala ang ginagawang finishing touches.

Humihingi sila ngayon ng paumanhin sa publiko subalit tiniyak na sinisikap ng DPWH na tapusin na ito oras na dumating na ang mga materyales.

Mula Hulyo ay nailipat ang opening ng tulay sa huling linggo ng Setyembre.

--Ads--

Sa oras na ito ay fully operational na ang tulay para sa mga mabibigat at maliliit na sasakyan.

Inaasahang sa pagbubuas ng Cabagan- Sta. Maria Bridge ay makakatulong sa mga residente ng bayan ng Cabagan.