CAUAYAN CITY – Binigyang diin ng isang miyembro ng Sangguniang Panglunsod na may 10-year Comprehensive Land Used Plan na batayan sa pag-convert ng agricultural Land para maging Commercial.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panglunsod Member Edgardo Atienza Jr., Chairman ng Committee on economic enterprise and land used na kapwa may punto sina Senador Raffy Tulfo at Senador Cynthia Villar sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng subdivision ang mga sakahan sa bansa.
Anya dapat ding balansehin ang panig ng mga developer at mga magsasaka dahil mahalaga ang Food security sa bansa ngunit kailangan din ang development sa housing sa mga developing cities at municipalities.
Hindi naman anya lingid sa Lunsod ng Cauayan na may mga na-convert na commercial na sakahan pangunahin na sa mga gilid ng kalsada ngunit tiniyak naman niya mayroon itong limit.
Sinabi pa ni SP member Atienza na may sinusunod na 10-year Comprehensive Land Used Plan na nagsasaad kung ilang area ang agriculture at ilang area ang commercial.
Nakasaad din sa 10-year Comprehensive Land Used Plan kung ilang percentage ang maaring ma-reclassify sa commercial sa buong bahagdan ng agriculture.
Inihayag pa niya na mas mataas ang singil sa buwis kapag commercial kumpara sa agriculture.
Sa ngayon ay malayo pang makamit ng Lunsod ng Cauayan ang limit sa pagconvert ng mga agricultural land sa commercial batay sa itinatakda ng 10-year Comprehensive Land Used Plan ng Lunsod.