--Ads--

Humiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na payagang magsumite ng dagdag na ebidensya bago ang nakatakdang confirmation of charges.

Sa petisyon sa Pre-Trial Chamber 1 na may petsang Pebrero 6, hiniling ng kampo, na pinangungunahan ni Atty. Nicholas Kaufman, na madagdagan ng 78 items ang listahan ng ebidensya ng depensa.

Ayon sa kampo, ginawa ang petisyon matapos suriin ang 1,242 items mula sa prosekusyon na maaari anilang maging exculpatory o mahalaga sa paghahanda ng depensa ni Duterte.

Iginiit ng kampo na ginawa ang hiling 15 araw bago ang pagdinig sa Pebrero 23 at “modest” ang bilang ng karagdagang ebidensya.

--Ads--

Binanggit din nila na hindi ito makakasagasa sa karapatan ng mga biktima, lalo na’t bagong tatag pa lamang ang kanilang legal team at inaayos pa ang akses sa ebidensya.

Ipinahayag din ni Kaufman na hindi pa lubusang nasusuri ng depensa ang pinakabagong disclosure ng prosekusyon noong Pebrero 5, kaya may posibilidad pang madagdagan ang kanilang listahan ng ebidensya.