CAUAYAN CITY- Malaking tulong para sa indigenous people community ang maidokumento sa pamamagitan ng mga pag aaral o research ang kanilang gawi, wika at pananiwala ayon sa National Commision on Indigenous People o NCIP Cauayan
Sa pamamagitan kasi nito, nasisiguro na hindi lang sa salita naitatawid ang mga kultura, paniniwala at maging lenguahe ng isang partikular na komunidad
Ito rin ang bingyang diin ni Commumity Development Officer Roy Layao ng NCIP Cauayan sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Cauayan
Ayon sa kaniya, bagaman para sa iba na ginagawa lamang ito para makumpleto ang requirements, mahalaga ito para sa kanila lalo na sa komunidad na pagsasagawaan nila ng pag aaral
Dito kasi ay mas naipapakilala sa mga tao na makakabasa ng kanilang maging pag aaral
Ayon pa sa kanya, sana ay mas marami pang pag aaral na ukol sa mga indigenous people community upang mailagay din ito sa mas maraming dokumento.







