--Ads--

Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, naghahanda na ang gobyerno ng mga konkretong hakbang upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa posibleng pagmahal ng petrolyo.

Inatasan din niya ang mahigpit na pagbabantay sa galaw ng presyo sa merkado upang maiwasan ang hoarding at profiteering ng ilang negosyante.

Ipinaliwanag ng Pangulo na kapag naaapektuhan ang suplay ng langis, nagiging sanhi ito ng pagtaas ng presyo ng kuryente at maging ng mga pangunahing bilihin.

--Ads--