--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang persons of interest na sinisiyasat ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Santiago City kaugnay sa naganap na pagsunog sa barangay community center ng Mabini, Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Fire Officer One Alberto Timbal, Chief Investigator ng BFP Santiago City na lumabas sa kanilang paunang pagsisiyasat na sinadya ang panununog sa barangay Community Center .

Inihayag pa ni SFO1 Timbal na kasamang nasunog na bahagi ng Barangay Community Center ay ang tanggapan ng Barangay Secretary, Barangay Treasurer at Book keeper.

Inihayag pa ni SFO1 Timbal na nakita nilang pinagsama sama sa gitna ng nasabing tanggapan ang mga walis tingting, walis tambo, kurtina at mga dokumento upang masunog.

--Ads--

Ayon pa kay SFO1 Timbal, naka-padlock ang pintuan ng barangay hall gayunding sarado ang mga bintana.

Ang vault cabinet kung saan nakalagay ang mga office files ng barangay ay puwersahang binuksan at inalis ang mga office files saka isinama sa mga walis at kurtina para masunog.