CAUAYAN CITY – Nagdududa ang kamag-anak ng isang minero mula sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya na sinasabing namatay sa pagguho ng minahan sa Kabayan, Benguet.
Ang biktima ay si Joel Bantiyan, 21 anyos, binata, isang minero sa Kabayan, Benguet at residente ng Maasin, Quezon, Nueva Vizcaya
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gemma Ginao, pinsan ng biktima na duda silang namatay sa naganap na pagguho ng minahan ang kanyang pinsan dahil ang nakitang sugat lamang ng biktima ay sa bahagi ng kanyang ulo at mukha at walang anumang sugat o gasgas sa katawan.
Dapat anyang na-autopsy ang bangkay ng kanyang pinsan upang malaman ang dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa hindi umano naiparating sa PNP Kabayan, Benguet ang pangyayari.
Inihatid lamang umano ang bangkay ng kanyang pinsan sa Nueva Vizcaya at nagbigay ng tulong pananalapi ang minamahan kung saan nagtatrabaho ang biktima.
Bago anya ang pagkamatay ng biktima sy sinasabing humihingi ng cash advance sa kanyang amo sa minahan dahil balak nitong umuwi muna sa Quezon, Nueva Vizcaya.




