--Ads--

Bumagal sa tinatayang 5.2% ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2025, ayon sa University of Asia and the Pacific (UA&P).

Ang pagbaba ay inuugnay sa negatibong epekto ng katiwalian sa flood control projects at sunod-sunod na bagyo, na nagpahina sa kumpiyansa ng mga mamimili.

Mas mababa ito sa 5.5% growth noong second quarter, at pasok sa pinakamababa sa target ng pamahalaan. Gayunpaman, inaasahan ng UA&P na maaaring umakyat sa 5.7% ang growth sa ikaapat na quarter dahil sa mas malakas na remittances at unti-unting pagbangon ng ekonomiya.

Sa kabila ng 19% US tariffs, nanatiling matatag ang export growth noong Agosto. Tumaas din ang total employment sa 50.1 milyon, dahilan ng pagbaba ng unemployment rate sa 3.9%.

--Ads--

Nanatiling mababa ang inflation sa 1.7%, at inaasahang makatutulong ito sa pagbawi ng ekonomiya sa nalalabing bahagi ng taon.