--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Pagmamahal ng Diyos sa mga tao at ang pagmamahal ng tao sa kapwa ang tunay na diwa ng Pasko sa buong mundo.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan, isinabi niya na  nakasaad sa Juan 3:16 na dahil sa pagmamahal ng Diyos ay   ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak upang mailigtas ang sanlibutan sa pagkakasala. Ang dahilan kung bakit ang anak ng Diyos ay naging tao ay dahil sa pagmamahal niya sa tao.

Ayon kay Bishop Antonio, kahit salat sa mga materyal na bagay ay marami pa ring dahilan upang ipagdiwang ang Pasko tulad ng pagmamahal ng pamilya at pagdiriwang na kasama ang mga miyembro ng pamilya, magandang kalusugan at marami pang mga biyaya na hindi matatawaran o priceless ang halaga.

Ayon kay Bishop  Antonio, walang kahit anumang materyal na bagay ang maaaring pumalit sa Panginoon at kahit sagana sa mga materyal na bagay at  karangyaan sa buhay kung walang koneksiyon sa Panginoon ay hindi magkakaroon ng kabuluhan at kahulugan ang  buhay.

--Ads--

Paalala ni Bishop Antonio sa mga kabataan na buksan nila ang kanilang puso at tanggapin ang Panginoon dahil siya lamang ang maaaring makapagbigay ng totoong pagmamahal at kaligayahan na ninanais ng isang tao.

Dagdag pa ni Bishop Antonio,  nasasayang ang buhay kung ang isang ay hindi marunong makihalubilo sa kapwa tao dahil bilang isang social being ay nararapat na makihalubilo sa ating kapwa na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa ating buhay.

Ang tinig ni Bishop David William Antonio