--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinisikap ng Department of Science and Technology (DOST) na mapataas pa ang produksyon ng iba’t ibang pangangailangan tulad ng produksyon ng mangga, saging at iba pa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni DOST Secretary Fortunato Tanseco de la Peña na masusi nilang pinag-aaralan at pinopondohan ang mga bagay na posibleng makatulong sa pagpapataas ng produksyon ng iba’t ibang commodities ng bansa.

Binigyang diin niya na kung pababayaan na bumagsak ang produksyon ng mangga at saging at hahayaang pestehin ay hindi malayong mangyaring tumaas ang presyo ng mga ito at ang mga consumer ang siyang pangunahing maaapektuhan.

Samantala, nagpapasalamat ang kalihim sa mga sumusoporta sa DOST para maisakatuparan ang lahat ng kanilang proyekto.

--Ads--

Kasunod nito ay kanyang iminungkahi sa publiko na alamin ang mga serbisyong makaktulong sa pag-unlad.