--Ads--

CAUAYAN CITY- Mayroon nang gabay na sinusundan ang mga kasapi ng Reina Mercedes Police Station sa pagbaril at pagpatay sa isang drug surrenderer sa Barangay Villador.

Sa panayam ng BOMBO Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Bruno Palattao, hepe ng Reina Mercedes Police Station na nagpapatuloy ang kanilang pagsisiyasat sa pagpaslang kay Ferdinand Siva.

Lumabas anya sa kanilang pagsisiyasat na maikli ang pasensiya ni Siva at mapabata o matanda ay kanyang sinisigawan kapag may hindi nagustuhan.

Dalawang anggulo ang sinisiyasat ng pulisya, ito ay may kaugnayan sa Illegal na droga at personal na alitan.

--Ads--

Ang mga suspek sa pamamaril ay magkaang-ngkas sa motor na isang lalaki at isang mahaba ang buhok na maaring isang babae.

Ang bumaril sa biktima ay nakasuot ng helmet at itim na jacket