CAUAYAN CITY – Natagpuan na ng search and rescue team ang dalawang sakay ng bumagsak na cessna plane 152 RPC 1955 na bumagsak pagitan ng Pantabangan, Nueva Ecija at Maria Aurora, Aurora province makaraang ang halos biente kuwtaro oras na paghahanap.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauaya kay Captain Reynaldo Aragones, Civil Miltary Operations Officer ng 56th Infantry Batallion Phil. Army na nakahimpil sa Aurora na 1,100 meters above sea level ang kinabagsakan ng eroplano.
Binigyan na rin ng paunang lunas ang estudyante na si Alexie Kaye Trinidad, 20 anyos, na residente ng Paranaque City dahil sa natamong fracture sa kanyang paa.
Ang piloto ng cessna plane na si Jospeh Albert Galvan, 24 anyos ay nagkaroon na rin ng kaunting fracture sa katawan.
Sinabi ni Captain Aragones na naging madamdamin ang pagkakatagpo sa dalawang sakay ng eroplano dahil sa pahirapan at hindi rin nakapagsunog ang dalawa dahil maulan sa nasabing lugar.
Hindi tumigil ang mga rescuers na mula sa pinagsanib na puwersa ng 56th Infantry Batallion Phil. Army at PDRRMO Aurora hanggang matagpuan ang kinaroroonan ng bumagsak na eroplano.
Mahirap anyang marating ang lugar dahil bukod sa umuulan at matarik pa ang nasabing lugar.
Kasama na ng mga rescuers sina Captain Galvan at Trinidad at inaasahang makakarating sila sa itinayong command center sa Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya alas siyete mamayang gabi
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Amado Nelson Egarge, ang PDRRMO ng lalawigan ng Aurora, kanyang sinabi na naghahanda na rin sila upang kaagad na madala sa pagamutan ang dalawang sakay ng eroplano kapag silay naibaba na
Sa exklusibong panayam pa ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Engineer Egarge na naghihintay na rin ang mga kamag-anak nina Galvan at Trinidad sa Command Center sa Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya.




