--Ads--
Hindi bababa sa 20 katao ang sugatan sa pagsabog sa Ramim Ridge sa hilagang bahagi ng Israel nitong Lunes, Oktubre 12.
Ayon sa non-profit emergency medical services sa Israel, Magen David Adom (MDA), naiulat ang pagsabog malapit sa border ng Lebanon.
Ang mga naitalang biktima ay mga mag-aaral at guro na nasa isang field trip sa Pe’er observation point, malapit sa pinangyarihan ng pagsabog.
Dalawa ang naitalang nasa kritikal na kalagayan habang tatlo naman ang nagtamo ng moderate injuries. Ang nalalabing 15 naman ay kasalukuyan nang nasa maayos na kalagayan batay sa MDA.
--Ads--
Kasalukuyan nang iniimbestigahan at inaalam ng awtoridad ang sanhi ng nasabing pagsabog.











