CAUAYAN CITY – Ibinalik na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Purok 7 sa Alibagu, City of Ilagan matapos isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) nang magkaroon ng COVID-19 positive sa naturang lugar.
isinailalim ang purok 7 sa limang araw na ECQ para mapabilis ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ni CV60.
Inihayag ni Mayor Jose Marie Diaz na batay sa inilabas na resulta ng pagsusuri sa lahat ng mga direktang nakasalamuha ng 4 na nagpositibo sa lunsod ay negatibo sa kanilang swab test.
Nasa maayos na kondisyon si CV60 na isang OFW mula sa Saudi Arabia at nakauwi sa lunsod sa pamamagitan ng Balik-Probinsiya Program.
Samantala, patuloy na inoobserbahan sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City ang naunang tatlong nagpositibo sa City of Ilagan.
Sa ngayon ay isa ang aktibong kaso sa lunsod na 41 anyos na babae.
May kasaysayan siya ng paglalakbay sa Quezon City at nakauwi sa Isabela June 20, 2020 at isinailalim sa quarantine facility ng pamahalaang lunsod.
Sumailalim siya sa swab test noong June 26, 2020 at positibo ang resulta nito.
Sa ngayon ay asymtomatic o walang nararanasang sintomas ng COVID-19 ang pasyente.





