--Ads--

Naging mapayapa ang pagsalubong ng bagong taon sa lalawigan ng Isabela ayon sa Isabela Police Provincial Office o IPPO.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Scarlette Topinio, Information Officer ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sinabi niya na mapayapa ang Bagong Taon sa Isabela dahil sa maigting na preparasyon at pagbabantay ng pulisya.

Aniya sa mga vehicular accident na karaniwang naitatala tuwing bagong taon ay wala silang naitala sa mismong gabi o bisperas ng bagong taon hanggang kinaumagahan.

Naging visible aniya ang kapulisan sa pagsalubong ng bagong taon sa mga inilatag na checkpoints at mobile patrolling sa ibat-ibang bayan ng Isabela kung saan inabot na sila ng madaling araw ng January 1, 2025.

--Ads--

Pinangunahan din ni IPPO Director PCol. Lee Allen Bauding ang inspeksyon sa mga istasyon ng pulisya upang matiyak na nakadeploy ang mga pulis sa kanilang area of responsibility.

Bagamat mapayapa ay hindi naman naiwasan ang pagkakaroon ng mga firecracker related incident at maging ang naitalang indiscriminate firing sa bahagi ng Cordon Isabela na kasalukuyan na nilang iniimbestigahan.

Ito ay sa kabila ng maigting nilang kampanya patungkol sa pag-iwas na sa paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Batay sa kanilang talaan, anim ang naitalang firecracker related incident na mas mababa naman kumpara sa naitala noong nakaraang taon.