Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sisimulan na ngayong linggo ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Aniya, magsisilbing ground zero sa paghahanap ang fishpond lease ng isa sa suspek na tinutukoy sa imbestigasyon.
Hindi pa aniya makakasama sa search and retrieval ang grupo mula sa Japan government dahil noong nakalipas na linggo lamang ipinadala ang letter-request na inaasahan naman ng DOJ na magre-reply sa loob ng linggong ito.
May alternatibo ring sites na posibleng puntahan kung saan maaaring matagpuan ang mga nawawalang sabungero.
Una nang sinabi ni Remulla na hiniling na sa Philippine Coast Guard (PCG) na tumulong ang kanilang technical divers at ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Nagpahayag din ang Department of Science and Technology (DOST) na tutulong sa search and retrieval ng sabungeros.
Kahapon, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Judge Jaime Santiago na bukas siya sa pakikipagtulungan at kusang loob kung kinakailangan ang forensic assistance.











