--Ads--

Naging mapayapa ang pagsisimula ng klase ng mga mag-aaral sa Region 2 batay sa monitoring ng Police Regional Office o PRO 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, Public Information Officer ng PRO 2 sinabi niya na walang reported na anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang tanggapan.

Una nang nagdeploy ang PRO 2 ng 3,879 na pulis sa mga paaralan at sa mga kalsada para sa police visibility.

Isa sa mga tinutukan ng PNP ang mga maaring maitala na physical injuries, Anti-Bullying Act of 2013, bomb threats, robbery, illegal logging, illegal possession of firearms, acts of lasciviousness.

--Ads--

Ayon kay PMaj. Mallillin, ito ang mga karaniwang naitatala tuwing balik eskwela ng mga estudyante kaya ito ang mas tinutukan ng pulisya.

Batay sa datos ng PNP, minimal lamang ang mga naitalang bullying sa rehiyon sa mga nakalipas na taon.

Dahil sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng mga traffice enforcers at auxillary groups na nagbantay sa sitwasyon ng trapiko ay walang gaanong naranasan at smooth ang traffic sa harapan ng mga eskwelahan.

Masaya naman sila na walang anumang hindi kanais-nais na pangyayari ang naireport at naging mapayapa ang pagsisimula ng klase ng mga mag-aaral.

Muli naman niyang pinaalalahanan ang publiko na maging maingat at mapagmatyag tuwing lalabas ng bahay at maiging ireport sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na makikita upang agad na maaksyunan ng mga kapulisan.