--Ads--

CAUAYAN CITY – Nais ng isang Political Analyst na mapakinggan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kanyang plano kaugnay sa Education Crisis, Food Insecurity at pagpapalakas sa Maritime Defense ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sinabi niya na hindi lamang kaugnay sa pagpapaganda sa curriculum ang kinakailangang tugunan sa edukasyon kundi maging pagtiyak sa kapakanan ng mga guro at pagtugon sa kakulangan ng mga pasilidad.

Mahalaga anya itong mapagtuonan ng pansin lalot ang mga kabataan ang susunod na mamumuno sa ating bansa.

Samantala, maituturing naman na paglabag sa Saligang Batas ang pagbabawal sa mga dadalo sa SONA na magsuot ng protest attire.

--Ads--

Ayon kay Atty. Yusingco, maituturing umano itong paglabag sa freedom of expression.

Anya, hanggat hindi naman nakakabastos o nanghihimok ng pag-aaklas ang protest attire ay wala naman anyang masama rito.

Ang masama anya ay ang paggamit sa SONA bilang fashion show ng ilang mga dumadalo.