--Ads--

Tinawag na ‘mind conditioning’ ng Election Watchdog ang pahayag ni VP Sara na maaaring magkaroon ng dagdag-bawas sa resulta ng halalan sa darating na Mayo.

Ito ay matapos ang naging pagpapahayag ng pangalawang pangulo hinggil sa pangamba ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaring magkaroon ng dayaan sa halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, sinabi niya na dahil sa tumatakbo bilang Alkalde ng Davao City ang dating Pangulo ay maaaring paraan lamang niya ito para I-kondisyon ang utak ng publiko na kung sakali mang siya ay matalo sa halalan ay maaari niyang sabihin na biktima siya ng pandaraya.

Aniya, ang konteksto ng dagdag-bawas ay maihahalintulad sa konteksto ng vote buying kung saan maaaring mabawasan at madagdagan ang boto ng isang kandidato dahil sa impluwensya ng mga namimili ng boto.

--Ads--

Gayunpaman, nilinaw niya na maraming paraan ng pandaraya sa halalan kaya posible rin ang dagdag-bawas dahil nangyayari ito hindi lamang sa operasyon ng Automated Counting Machine kundi maging na rin sa paggawa ng Source Code.

Matagal na umano nilang ipinapawagan na dapat open ang source code upang magkaroon ng access ang mga mamamayan na I-review ito para sa mas transparent na halalan.

Samantala, magiging isyu umano ang kaso ni Duterte sa halalan dahil hindi maiiwasan na tanungin ang mga kandidato sa kanilang pananaw hinggil sa isyu.