--Ads--

Labintatlong party-list group ang hindi nakapaghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) matapos ang 2025 Midterm Elections.

Batay sa datos ng Comelec, sa 154 na party-list na lumahok sa halalan, 141 lamang ang nakapagsumite ng SOCE noong Hunyo 11.

Samantala, mula sa 64 na kandidato sa pagka-senador, 61 na ang naghain ng kanilang SOCE, habang 25 sa 28 political party ang nakasunod na rin sa requirement.

Ayon sa Comelec, ang mga hindi nakapagsumite ng SOCE ay maaaring mapatawan ng multa na mula ₱1,000 hanggang ₱30,000 sa unang paglabag.

--Ads--

Sa ikalawang paglabag, maaari itong lumaki sa ₱2,000 hanggang ₱60,000, kasama ang posibleng habambuhay na diskwalipikasyon sa pagtakbo sa anumang posisyon sa pamahalaan.