--Ads--

Umabot sa P18.16 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas noong Pebrero, bahagyang tumaas mula sa P18.13 trilyon noong nakaraang buwan, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Ang domestic debt ang bumuo ng 68.7 porsiyento ng kabuuan, tumaas ng 1.3 porsiyento sa P12.48 trilyon dahil sa karagdagang securities para sa pambansang kaunlaran. Samantala, bumaba ang external debt sa P5.68 trilyon, dulot ng paborableng galaw ng foreign exchange.

Sa kabuuan, nakalikom ang gobyerno ng P203.10 bilyon, kabilang ang matagumpay na pag-isyu ng $2.75 bilyon global bonds. Gayunpaman, tumaas ang foreign obligations ng 5 porsiyento mula noong nakaraang taon.

Ayon sa mga ekonomista, ang patuloy na paggastos at pagbabayad ng utang sa gitna ng tensyon sa pagitan ng US at Iran, pati na rin ang record-low na piso, ay maaaring magpataas ng pambansang utang.

--Ads--