--Ads--
Tinanghal bilang kauna-unahang Miss Grand International (MGI) All Stars pageant si Colombian veteran beauty queen Vanessa Pulgarin.
Ang 34-anyos na si Pulgarin ay naging pambato ng Colombia sa Miss Universe 2025 competition sa Thailand kung saan ito ay nakapasok sa Top 12 semifinalists.
Isinagawa ang coronation night ng MGI All-Stars sa Bangkok, Thailand.
Nagwagi naman bilang first runner-up si Faith Maria Porter ng Ghana habang second-runner up naman si Nguyen Huong Giang ng Vietnam.
--Ads--
Ang kauna-unahang pageant ay sinalihan ng 56 na mga seasoned pageant veterans mula sa 38 na bansa.
Inaasahan na sasali si Pulgarin para sa ikalawang edisyon para ipagtanggol ang kaniyang titulo.





