--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ni Punong-Barangay Erlinda Tesorio Pacatcatin ng Namnama, Jones, Isabela na biktima sila ng pang-aabuso ng mga sundalo nang ipinatupad ang martial law sa panahon ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Punong-Barangay Pacatcatin ay nakababatang kapatid ni Victorino Tesorio Alyas Dong, 1st Deputy Secretary ng Regional Operation Command ng Komiteng Rehiyon Hilagang-Silangang Luzon, at isa sa dalawang napaslang na lider ng NPA sa Tarlac City.

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kapitan Pacatcatin na 16 anyos pa lamang siya nang maranasan ng kanilang pamilya ang kalupitan ng mga sundalo noong martial Law.

Malakas din anya ang impluwensiya ng mga New People’s Army noon at palagiang nakakausap ang kanilang kuya na si Benito Tesorio kaya naging mainit sa mata ng mga sundalo.

--Ads--

Nakita na rin niya ang pagpapahirap ng mga sundalo kay Victorino Tesorio na maaaring dahilan na rin ng pagsapi sa komunistang pangkat noong 1974.

Si punong-Barangay Pacatcatin ay nagtungo dito sa Bombo Radyo Cauayan makaraang maibalita ang pagkamatay ng kanyang kapatid at isa pang mataas na pinuno ng NPA.

Kasama ni alyas Dong si Lolito Raza o alyas Lanlan, Commander ng Danilo Ben Command ang nasawi matapos manlaban sa mga otoridad na magsisilbi sana sa kanila ng mandamiyento de aresto sa Brgy San Miguel, San Manuel, Tarlac City.