--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihintay na ang pamilya ng tatlong Pilipino na nasawi matapos masunog ang kanilang pinagtatrabahuang Food factory sa Kaohsiung, Taiwan.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Gina Lin na nagkaroon ng aksidente sa boiler ng factory at sinubukang gamitan ng fire extinguisher ngunit biglang umusok.

Pumasok ang sampong empleyado ng food factory kabilang ang tatlong nasawing Pinoy sa cold storage ngunit na-suffocate sila dahil sa makapal na usok.

Binasag ng ilang manggagawa ang salamin para makalabas sa pagawaan kaya ilan din sa kanila ang nasugatan.

--Ads--

Ang mga nasawi ay sina Renato Larua na mula sa Cavite, Nancy Revilla ng Marinduque at Aroma Miranda na mula naman sa Tarlac.

Mayroon nang ibinibigay na financial assistance sa mga nasugatang Pinoy na sina Sheila May Abas, Jessie Boy Samson, Maricris Fernando, Rodel Uttao at Santiago Suba Jr., na pawang dinala sa ospital.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng Taiwan upang makuha ang insurance ng mga nasawi.

Para madaling maproseso ang insurance ng mga nasawi ay inaayos na ang papeles ng mga kamag-anak ng tatlong nasawi para magtungo sa Taiwan.

Nakatutok naman ang mga kawani ng OWWA at labor attache at inaasikaso na ang mga insurance na ibibigay sa pamilya ng mga nasawi.

Tinig ni Bombo International News Correspondent Gina Lin.