--Ads--

SA CABATUAN, ISABELA –Nasugatan ang 14 na pasahero makaraang masangkot sa aksidente ang isang pampasaherong Jeep sa Cabatuan, Isabela.

Ang nasangkot na pampasaherong Jeep ay galing ng San Mateo at bibiyahe patungong Cauayan City.

Sa paunang pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station mechanical error ang sanhi ng pagkakasangkot sa aksidente ng Jeep matapos umanong matanggalan ng tornilyo ang giya ng Jeep.

Kaagad namang idinala sa pinaka-malapit na ospital ang sugatang pasahero ngunit isa ang inilipat sa ibang pagamutan.

--Ads--

Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga biktima.