--Ads--

CAUAYAN CITY– Medyo nakakaalarma ang datos ng mga tinamaan ng COVID-19 na dinadala sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ngayong buwan ng Mayo kumpara noong Marso at Abril na zero case.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC na mula May 1-14, 2023 ay may 56 cases ng COVID-19 ang naitala sa nasabing pagamutan.

Sa ngayon ay may 13 confirmed cases ang naka-confine sa CVMC.

Ayon kay Dr. Baggao, bawat araw ay may na-aadmit na pasyente na karamihan ay hindi nabakunahan kontra COVID-19 kaya hinikayat niya ang mga mamamayan na magpabakuna dahil patuloy na bukas ang kanilang vaccination area ng CVMC para hindi aabot sa severe case kapag tinamaan ng virus.

--Ads--

Mula May 1-14, 2023 ay may dalawa na nasawi sanhi ng COVID-19.

Ang ang isa ay hindi nabakunahan habang ang isa ay may commorbidity.

Nilinaw ni Dr. Baggao na hindi sila nagsara ng mga COVID-19 ward kundi nagbawas lamang sila matapos bumaba ang mga kaso na umabot pa sa 309 cases bawat araw noong kasagsagan ng COVID-19.

Hindi rin aniya nagbago ang kanilang health protocol dahil nananatili ang pagsusuot ng face mask ng mga personnel ng CVMC.

Sa nakalipas na labing-apat na araw ng Mayo ay umabot sa 26 personnel ng ospital ang tinamaan ng COVID-19 matapos silang mahawaan sa COVID ward.

Ipinapatupad din nila ang rapid antigen test sa mga pumapasok na pasyente at bantay sa CVMC.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.