--Ads--
Maituturing na isang pambihirang pagkakataon ang pananalasa ng Tornado sa coastal Santa Cruz County sa northern California sa Estados Unidos nitong ika-14 ng Disyembre.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Marissa Pascual na maraming mga sasakyan ang bumaliktad at nagsitumbahan din ang ilang mga poste dahilan upang makaranas ng power outage sa naturang lugar.
Ito umano ang kauna-unahang tornado na tumama sa lugar kaya hindi aniya ito pangkaraniwan.
Ipinagpapasalamat naman nila na tumagal lamang ito ng limang minuto bagama’t nag-iwan pa rin ito ng minimal damage sa mga aria-arian.
--Ads--