Nakipag deal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China kaugnay sa US Typhon missiles na nasa Pilipinas.
Tahasang sinabi ni Pangulong Marcos na itigil na ng China ang pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas, paggamit ng laser at water cannon, at pangha-harass sa mga mangingisda, coast guard, at navy ng Pilipinas, maging ang pagbangga sa sasakyang pandagat ng bansa, kaniyang ipatatanggal ang kinu-kwestyong missile system ng Estados Unidos sa bansa.
Ang pahayag na ito ng pangulo ay kasunod ng panawagan ng China na i-pull out o alisin ang missile system na ito ng US, na orihinal na nasa Laoag, ngunit inilipat sa ibang lokasyon sa Luzon.
Ayon sa pangulo, hindi niya maunawaan kung bakit pinupuna ng China ang Typhon missile system, gayung hindi naman pinakikialaman ng Pilipinas ang Chinese missles, na di hamak na mas malakas pa, kumpara sa hawak ng Pilipinas.
Sabi ng pangulo, basta’s tigilan lang ng China ang kanilang agresyon at mga delikadong inaasal sa rehiyon, agad na ibabalik ng Pilipinas sa US ang Typhon missiles nito.