--Ads--

Nagbabala ang mga oil industry players na posibleng magkaroon ng panibagong malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Abril 7.

Batay sa unang apat na araw ng trading, nananatiling pabagu-bago ang galaw ng merkado ngunit nasa pataas na trend pa rin, katulad ng mga nagdaang linggo.

Ayon sa paunang pagtataya, maaaring tumaas ng humigit-kumulang ₱6.20 kada litro ang gasolina, ₱20.00 kada litro ang diesel, at ₱13.00 kada litro ang kerosene. Kabilang na sa mga presyong ito ang excise tax at risk premium.

Gayunman, paalala ng mga observer na maaari pang magbago ang mga numerong ito depende sa magiging galaw ng pandaigdigang merkado.

--Ads--

Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, inaasahang mararamdaman ng mga motorista at negosyante ang epekto ng panibagong dagdag-presyo sa susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, nasa ₱134.90 kada litro ang diesel sa Metro Manila, ₱109.90 naman ang gasolina, at ₱104.90 ang kerosene. Maaaring mag-iba ang presyo sa ilang gasolinahan na may alok na promosyon o diskwento.