CAUAYAN CITY- Ipapasakamay na ng Kamara sa Senado ang House Bill 7778 na naglalayong gawing anim na distrito ang lalawigan ng Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Cong. Rodito Albano ng unang distrito ng Isabela na pumasa na sa Mababang kapulungan ng kongreso ang house bill 7778 na naglalayong gawing anim na distrito ang Isabela at ipapasa na ito sa Senado.
Sa Senado inaasahang tatalakayin sa loob ng dalawang linggo at inaasahang magiging batas na ito.
Inaasahang si Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Local Government ang magsusulong sa nasabing panukala at inaasahang may mga senador ang mag-sponsor na nauna nang nagpahayag ng suporta para dito.
Inihayag pa ni Cong. Albano na kaunting amendments na lamang ang kanilang aayusin sa Senado.
Kapag naging batas na ang house bill 7778 ay magkakaroon ng election sa dalawa pang karagdagang kinatawan ang Isabela na isasabay sa national election.




