--Ads--

Isinusulong ni Senator Erwin Tulfo ang Senate Bill 1876 na naglalayong gawing krimen ang kapabayaan sa mga proyekto ng pamahalaan na hindi nakakatugon sa itinakdang pamantayan ng kalidad.

Binigyang-diin ni Sen. Tulfo na ang mga pampublikong imprastraktura ay pinopondohan mula sa buwis ng mamamayan, kaya nararapat lamang na matiyak ang kaligtasan, tibay, at kalidad ng mga ito.

Ayon sa senador, ang mga depektibong proyekto ng gobyerno ay nagdudulot ng pag-aaksaya ng pondo, panganib sa buhay ng publiko, pagkaantala sa kabuhayan, at pagkawala ng tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan.

Sa ilalim ng panukala, malinaw na itinatakda ang pananagutan at parusa para sa mga opisyal ng gobyerno, kontratista, inhinyero, at iba pang sangkot na mapapatunayang nagpakita ng kapabayaan sa kanilang tungkulin.

--Ads--

Kapag naipasa at naisabatas, ang mga mapapatunayang lumabag ay maaaring patawan ng anim hanggang labindalawang taong pagkakakulong o multang hindi bababa sa P10 milyon.