Pangungunahan ngayong umaga ni Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang misa na gaganapin St. Michael Archangel Cathedral bilang bahagi ng ika-75th anibersaryo ng Missionaries of La Sallete.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Father Greg Uanan, Judicial Vicar ng Diocese of Ilagan na magsisimula ang misa ganap na alas nuebe y medya ngayong umaga.
Sa hapon ay babasbasan ng Apostholic Nuncio ang malaking estatwa ng Our Lady of Guibang na nasa pagitan ng Guibang bypass road at national highway.
Magkakaroon din ng state dinner na ang magiging host ay ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela na pangungunahan nina Governor Rodito Albano at Vice Governor Bogie Dy.
Naka-formal attire ang mga panauhin maging ang mga pari sa gaganaping state dinner.
Bukas, araw ng Biyernes ay gaganapin ang solemn dedication ng bagong National Shrine ng Our Lady of the Visitacion sa Guibang, Gamu, Iabela.
Lalangisan ng Papal Nuncio ang altar at pader ng simbahan bilang tanda ng pagbebendisyon upang maging ganap na sagrado ang Pambansang Dambana ng Birheng milagrosa ng Guibang.