CAUAYAN CITY– Patuloy ang paghahanda ng anim na pambansang atleta na lalahok sa Paralympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan sa ikadalawampt apat ng Aug. 5 – September 5, 2021.
Kabilang sa kanila si Achele Guion na naghahangad na manalo ng medalya matapos na magkaroon ng inspirasyon sa panalo ng gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Guion na sa kanyang ensayo ay nalampasan na niya ang kanyang record na 67 kgs sa powerlifting sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Ang target niyang maabot ay 80 to 82 kilograms sa kanyang paglahok sa Tokyo Paralympic Games.
Si Guion ay nagtatrabaho sa Tahanang Walang Hagdan sa Cainta, Rizal at lumiban ng isang buwan para sa kanyang training at paglahok sa Paralympic Games.
Nagpapasalamat siya sa suporta ng kanyang pamilya at Philippine Sports Commission o PSC.
Maglalaro si Guion sa August 26, 2021 at umaasa na mananalo siya ng medalya.
Mahigpit niyang kalaban ang powerlifter ng China na kaya ang 105 kgs.
Pangarap niyang matapos na ang kanyang at matutulungan din ang kanyang pamilya lalo na kanyang nanay sa kanyang maintenance medicine,
Sasabak din sa Tokyo Paralympics sina swimmers Ernie Gawilan at Gary Bejino, jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan at discus thrower Jeanette Aceveda.
Simula noong 1988 Seoul Olympic Games sa South Korea ay hindi pa nakapag-uuwi ang Pilipinas ng gintong medalya sa Paralympics Games.
Magtutungo na sa Linggo Tokyo, Japan ang anim na Para athletes.