--Ads--

CAUAYAN CITY -Hindi pa inaprubahan ng mga kasapi ng City Council ang 52 na aplikasyon ng prangkisa dahil sa natuklasang pare-parehong case number.

Ayon kay Sangguniang Panlunsod member Salcedo Foronda, ang Chairman ng Committee on Transportation and Communication, nag-convene na sila at ng Cauayan City Franchising and Regulatory Board noong April 24, 2018 at kompleto naman ang mga dokumentong inihain ng mga aplikante.

Dahil dito inirekomenda nila sa konseho na aprubahan ang 48 renewal at apat na bago.

Iginiit naman ni SP Member Bagnos Maximo, ang Chairman ng Committee on Laws ang Good Governance na posibelng magkagulo lamang kung aaprubahan agad ang limampu’t dalawang aplikasyon ng prangkisa dahil sa pare-parehong case number sa magkakaibang tao.

--Ads--

Sa susunod nilang pagtalakay ay ipatatawag ang Cauayan City Franchising and Regulatory Board para pagpaliwanagin hinggil sa mga naibigay na pare-parehong case number sa magkakaibang tao.