--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang pasahero ang namatay habang sugatan ang 13 iba pa makaraang masangkot sa aksidente ang sinakyang pampasaherong van sa Manaring, Ilagan City.

Ang nagmaneho sa van ay si Michael Gucheco, 32 anyos. tubong Baguio City ngunit naninirahan ngayon sa Luna, Isabela.

Nakilala ang namatay na si Romilyn Palattao, nasa tamang edad, may-asawa, isang kawani ng pamahalaan at residente ng Tuguegarao City.

Ayon sa driver na si Gucheco, binabagtas niya ang national highway sa barangay Manaring nang hindi niya makontrol ang manibela sa pakurbadang bahagi ng daan sanhi para matumba ang minamanehong van.

--Ads--

Nagsanhi para mamatay ang isang pasahero at pagkasugat ng 13 iba pang pasahero.

Ang mga sugatang pasahero ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan ng tumugong rescue team

Samantala, inihayag ni SPO1 Bobby Taccad, tagasiyasat ng Ilagan City Police Station na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na mabilis ang 80kph na patakbo ng sasakyan ni Gucheco at dapat na magli-lie low dahil sa pakurbada ang daan.

Maaari anyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple serious physical injuries ang driver ng van.