--Ads--

CAUAYAN CITY – Nilinaw ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City na negatibo sa COVID-19 ang pasyente mula sa Ballesteros, Cagayan na idineklarang dead on arrival.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC na ang pasyente ay naunang nai-refer sa isang ospital sa Luna, Apayao .

Dahil sa malalang kondisyon ng pasyente ay ini-refer sa CVMC ngunit habang dinadala sa nasabing ospital ay nagkaroon ng heart attack sa bahagi ng  Iguig, Cagayan.

Idineklarang dead on arrival sa CVMC ang pasyente na may sakit sa puso at diabetes.

--Ads--

Ayon kay Dr. Baggao, para masunod ang protocol ay isinailalim sa swab test ang pasyente at negatibo ang resulta.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao