--Ads--
CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagsisiyasat ng Quezon Police Station sa naganap na pagbaril at pagpatay sa isang barangay Kagawad.
Ang biktima ay si Brgy. Kagawad Allan Layson, may-asawa at residente ng Samonte, Quezon, Isabela.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Quezon Police Station na ang biktima at ang hindi pa nakikilalang suspek ay nagkaroon nang komprontasyon.
Habang nagkakaroon ng komprontasyon ay bumunot ng Cal. 45 baril ang suspek at binaril ang barangay kagawad na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
--Ads--




