--Ads--
CAUAYAN CITY- Pinaniniwalaang nakuryente ang kanyang sarili ng isang magsasaka habang nangingisda gamit ang electro-fishing device sa isang palayan sa Quezon, Isabela.
Ang biktima ay si Reccio Padrigo, 39 anyos, isang magsasaka at residente ng minagbag, quezon , Isabela.
Si Padrigo ay nagpaalam sa kanyang kinakasama at nagtungo sa palayan upang manghuli ng isda gamit ang home made electro-fishing device.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na pinaniniwalaang nakuryente ng ginagamit niyang pangisda.
--Ads--




