CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagmonitor ng mga kasapi ng Ramon Police Station sa mga sangkot sa illegal na droga.
Bagamat wala silang isinasagawang operasyon ay patuloy naman ang kanilang monitoring sa mga sangkot sa illegal na droga.
Ang bayan ng Ramon ay isa sa maraming drug surrenderer sa himpilan ng pulisya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Lord Wilson Adorio, Hepe ng Ramon Police Station mayroon pa ring bumalik at nasasangkot sa illegal na droga noong naipasakamay sa Philippine drug enforcement Agency ang kampanya kontra droga.
Nakiusap ang hepe sa mga mamamayan na makipagtulungan sa pulisya sa kampanya kontra illegal na droga upang tuluyang malinis ang nasabing bayan.
Ang bayan ng Ramon ay malapit sa Santiago City na sinasabing pinagkukunan ng illegal na droga.
Marami na rin anyang tuluyang nagbagong buhay ng mga drug surrenderer sa nasabing bayan.




