Patuloy na nangunguna ang mga atleta ng Vietnam sa unang araw ng 12th South East Asia Youth Athletics Championships na ginaganap sa City of Ilagan Sports Complex sa Lunsod ng Ilagan, Isabela.
Kaninang alas kuwatro ng hapon ay ipinagpatuloy ang mga laro sa kabila ng panaka-nakang pag-ulan.
Ang nangungunang Vietnam ay nagwagi na ng 5 gold, 2 silver.
Ikalawa ang Indonesia na may 4 gold, 2 silver.
Ikatlo ang Thailand na may 3 gold, walang silver at bronze.
Ikaapat ang Malaysia na may 1 gold, 3 silver at 2 bronze
ikalima ang Singapore na mayroon nang 1 gold, 2 silver, 2 bronze
Ikaanim ang Pilipinas na may 4 silver, 7 bronze
Ikapito ang Timor Leste na may isang silver.
Nangungulelat ang Brunei Darussalam na wala pang napanalunang medalya.
Samantala, tatlong bansa ang naka-break ng sariling record sa DAY 1 morning session ng 12th SEA Youth Athletics Championships na ginaganap sa City of Ilagan Sports Complex.
Sa 3,000 meter run boys ay nabasag ni Henrick Marlyanda ng indonesia ang kanyang sariling record na nakapagtala ngayon ng 98.73 seconds.
Sa 100 meter dash Girls ay nabasag din ni Jeany Nuroumi Amelia Agreta ng Indonesia na nakapagtala ng bagong record na 12.22 seconds.
Sa 800 meter run Boys nagtala rin ng bagong record si Indonesian Wency Telamonia na I minute 55.72 seconds.