--Ads--

Paiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga natuklasang pitong ghost farm-to-market roads sa Davao Occidental na nagkakahalaga ng P105 milyon.

Ayo kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nais ng Pangulo na matukoy ang mga nasa likod ng anomalya at makakuha ng matibay na mga ebidensiya upang maging malakas ang kaso sa korte.

“Noon pa, nagsabi na ang Pangulo na managot ang dapat na managot, dapat imbestigahan mabuti, marami dapat na ebidensiya para hindi masayang kung magsasampa na ng kaso,” ani Castro.

Aniya, habang lumalalim ang imbestigasyon sa flood control projects ay nadadagdagan ang mga natutuklasang anomalya sa ibang mga proyekto ng gobyerno, gaya ng farm-to-market roads.  

--Ads--

Nagkaroon na rin umano ng pag-uusap sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. Kaugnay sa gagawing hakbang upang magtulungan sa pag-iimbestiga sa natuklasang ghost projects.

Nakapagsumite na si Secretary Laurel ng kanyang report kay Pangulong Marcos Jr. hinggil sa nabanggit na anomalya at inaalam na rin ang iba pang ipinatupad na farm-to-market road sa iba’t ibang lugar sa bansa kung nakumpleto at natapos ba ang mga ito o hindi talaga ginawa ang proyekto.