--Ads--

Isinagawa kahapon, Mayo 1, 2026, ang arrival honors para kay PBGen. Mariano Rodriguez bilang pormal na pagtanggap sa kanyang panunungkulan bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office (PRO 2).

Pormal na bumaba sa pwesto si PBGEN Antonio P. Marallag, Jr., na ngayon ay itinalagang Acting Director for Research and Development ng PNP. Sa kanyang panunungkulan bilang PRO2 Regional Director, pinalakas niya ang anti-criminality campaign sa pamamagitan ng epektibong crime prevention at resolution, at pinatibay ang ugnayan sa komunidad sa buong Cagayan Valley.

Pinalitan siya ni PBGEN Mariano C. Rodriguez bilang bagong Acting Regional Director ng PRO2. Siya ay dating Deputy Regional Director ng PRO11 at tubong Cabagan, Isabela, gayundin ay miyembro ng PNPA Class of 1996.

Sinundan ito ng “Talk to Men” na dinaluhan ng Command Group, regional staff, mga hepe ng iba’t ibang support units, at iba pang PCO, PNCO, at NUP personnel.

--Ads--

Present din sa okasyon ang kanyang pamilya, gayundin ang mga panauhing sina Cagayan Governor Edgardo Aglipay, Tuguegarao City Mayor Maila Que, Enrile Mayor Miguel Decena, at iba pang opisyal at partner stakeholders.

Layunin ng pagtitipon na pagtibayin ang direksyon ng liderato at muling igiit ang mahigpit na pagtupad ng PRO2 sa PNP Focused Agenda.