--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Police Regional Office o PRO 2 ang mga baguhan at beteranong pulis na panatilihin ang kalinisan ng imahe ng Philippine National Police o PNP.

Sa talumpati ni PBgen. Percival Rumbaoa, Regional Director ng PRO2, sinabi niya na bagamat hindi perpekto ang kanilang departamento ay dapat gawin pa rin ng mga miyembro ng PNP ang kanilang magagawa upang mapanatili ang tiwala sa kanila ng taumbayan.

Binigyan diin niya na dapat ay gawin ng mga bagong miyembro ng PNP ang kanilang magagawa upang sundan ang yapak ng mga nauna sa kanila sa serbisyo.

Payo niya sa mga beterano na sa serbisyo na kahit magbago ang administrasyon at namumuno sa kanila ay dapat iisa pa rin sila at  suportado ang bawat isa.

--Ads--

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan para magtagumpay ang kanilang  police operation.

Ang talumpati  ng Regional Director ng PRO 2 ay bahagi ng pagdiriwang ng ikalawang Regional Summit ng “My Brothers Keeper-Life Coaches”  na may temang, “Palaganapin ang adbokasiya ng malasakit, kaayusan, at kaunlaran para maabot ang mithiin ng kasimbayanan” na ginaganap sa Mt. Atio-an Prayer Tower sa Aguinaldo, Ramon, Isabela.