--Ads--

Nagbabala ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa posibleng negatibong epekto ng nationwide 4-day work week, partikular sa sektor ng manufacturing na kritikal sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa PCCI, ang blanket implementation ng panukala ay maaaring magdulot ng mababang produksyon, missed deadlines, at pag-alis ng investors sa bansa. Maraming pabrika ang umaasa sa continuous multi-shift operations, at bawasan ang operational days ay maaaring magpalala ng problema sa limitadong resources at mataas na gastusin sa kuryente.

Nanawagan ang PCCI para sa isang balanced at sector-sensitive approach, kung saan maaaring voluntary o may exemptions ang ilang industriya. Sa ganitong modelo, maaring sumunod ang mga service-oriented at office-based firms sa apat na araw na work week, habang nagpapatuloy ang industriya at logistics sa kanilang kinakailangang operasyon.

Patuloy ang PCCI sa pakikipag-ugnayan sa labor groups at policymakers upang siguraduhing ang panukala ay magpapatibay sa ekonomiya at hindi makakaapekto sa productivity at competitiveness ng bansa sa Southeast Asia.

--Ads--